Maikling eksena sa JEEP.
Manong: Hay naku! Alas singko na wala pa ring kapasa-pasahero. Ano ba yan? Ang tagal naman maglabasan. Kailangan ko pa naman makapuno kada byahe para naman makabawi-bawi. Para na rin mabayaran ko na yung matrikula ni Jun-jun. Yung utang ko pa pala Kay Charing kailangan ko na rin mahulugan yun bago matapos ang linggong ito, nung isang buwan pa yun. Yung ano pa pala, yung renta, kuryente at tubig sa bahay, Hindi ko pa pala nababayaran. Tsk tsk tsk tsk tsk. Hay naku! Ang buhay nga naman oh! Oh!(pause) SM, sm sm. Sm pala pala, Sm papasok. Aalis na, aalis na. Sm papasok.
Estudyante: Hay naku! Nakakainis talaga kanina. Ang baba-baba ko sa long quiz kanina. Nakakainis kasi si sir eh. Hindi man lang kami ininform na may surprise quiz, edi sana nakapag review pa ako. Kaya ayan tuloy ang baba ko. Nakakainis talaga.
Manong: Sm! Sm! Pito pa pito pa. Kasyang kasya. Makakahiga pa. (Sasakay si trabahador at sasabihan ang nagiisang pasahero na si estudyante) makikiusod naman diyan.
Trabahador: Hay naku! Nakakapagod sobra. Maghapon ba naman utusan ni boss. Halos lahat na lang ng ginagawa niya sa akin inuutos. Kulang na nga lang ako na ang maging boss eh. Hayy! Gusto ko ng mag pahinga. Gusto ko ng ma....(mapuputol ang kanyang sasabihin dahil mag babayad si estudyante)
Estudyante: Bayad po. (Iaaabot Kay trabahador yung pamasahe niya)
Trabahador: (Titingin siya Kay estudyante na medyo naiinis pero kukunin pa rin niya ang bayad ni estudyante at itutuloy ang naputol niyang sasabihin) Gusto ko ng matulog. (Iaabot ang pamasahe Kay manong habang sinasabi ang) Wala eh! Kailangan talagang kumita. Kailangang mag... (Naputol nanaman ang sasabihin)
Estudyante: Isang Sm po yung bente. Estudyante.
Trabahador:(itutuloy ulit ang sasabihin) Kailangang mag sakripisyo. Kung hindi...(mapuputol ang sasabihin)
Manong: Eto yung sukli ng bente.
Trabahador: Kung hindi naman ako mag tatrabaho....(mapuputol ulit ang kanyang sasabihin)
Estudyante: Kuya, estudyante po yung bente.
Trabahador: Kung...
Manong: Eto oh. Yung kulang sa sukli ng estudyante.
Trabahador: (iaabot yung sukli) KUNG HINDI NAMAN AKO MAG TATRABAHO, EDI WALA AKONG KIKITAIN. (titingin sa estudyante) Alam naman na may ginagawa eh.
Senior Citizen: (sasakay sa jeep) Makikisuyo naman mga apo, makikiusod naman ng kaunti at diyan lamang ako sa malapit. Bayad ho. Isang senior, diyan lang sa malapit. (Pause) Kapag tumatanda nga naman. Humuhina na ang tuhod. Buti pa ang mga batang ito sa tabi ko at napagka lalakas pa. Mahaba-haba pa ang itatagal dito sa mundo.(pause) Bakit nga ba iyan ang mga pinagiisip ko? Naalala ko tuloy noong estudyante at nung nagtatrabaho pa lang ako. Kaya kayo mga apo, ienjoy niyo na ang buhay ng pagiging teenager o habang nag tatrabaho pa lang kayo.
Pasosyal:(sasakay) Oh my G! Amoy usok na ako. Grabeh namn kasi ang usok dun sa kanto kanina. Magkaka lung cancer na ata ako sa dami ng na inhale kong usok. Wait, where is my Victoria secret na perfume, para naman bumango Bangor na ako. Tapos grabeh! Ang lagkit lagkit na ng skin ko super. Oh my G talaga. I need wet wipes para naman hindi na ako maging malagkit. This is my payment kuya. Sm lang. Mag sho-shopping pa kasi ako eh. Paki faster na lang kuya kasi Baka mag close na ang mall.
(Na flatan yung jeep)
Manong: Kung minamalas ka nga naman. Hay buhay!
Pasosyal: Oh my G! What happen manong? Bakit tayo nag stop? Don't tell me manong na nasiraan tayo.
Trabahador: Ano ba yan? Nasiraan pa ata tayo. Bakit ngayon pa? Kung kailan nagmamadali akong umuwi.
Estudyante: Ano ba yan? Kailangan ko ng umuwi. May mga assignments at projects pa akong gagawin at mag rereview na ako ng maaga kasi baka hindi nanaman kami iinform ni sir na may surprise quiz ulit.
Manong: Sandali lang ho ah. Na flatan ho tayo. Mabilis lang ito, papaltan ko lang yung gulong.
(Mga ilang saglit)
Senior:(kakagising) Anong nangyari? Bakit hindi tayo na andar? Nasiraan ba tayo?
Trabahador: Oho Lola. Kanina pa ho. Ang tagal tagal nga ho eh. Manong kailan pa ho iyan matatapos?
Manong: Malapit na, malapit na.
Pasosyal: Mga ilang oras yung malipit niyo manong? It's like kanina pa kami dito and why pa here sa slaughter house ng Monterey nasiraan? You know. Ang baho baho. Super. Nakakasuka yung smell. Mangangamoy nanaman ako niya. Oh my G! Kailangan ko na ulit ang Victoria secret perfume ko para naman bumango-bango.
Estudyante: Kuya, hanggang kailan pa kaya kami maghihintay? Wag niyo naman po kaming paasahin. Yan kasi ang hirap ng umaasa. Baka masaktan ka lang. Tapos ang hirap ng may hinihintay ka pero walang kasiguraduhan na may hinihintay ka.
Senior: Manong, siguro naman matatapos na ho iyang ginagawa niyo? Namuti na ang buhok ko sa kahihintay sayo.
Manong: Tapos na ho. Whooo! Natapos na rin.
Pasosyal: Finally, natapos na already. We can move on na.
Trabahador: Hayyyy! After 30 years natapos na run.
Estudyante: Nakakaswa rin palace ang maghintay.
(Umaandar na)
Senior: Tabi lang manong. Tabi lang.
Trabahador, pasosyal at estudyante: Tabi lang daw ho.
Senior: Nakalampas pa. Kanina pa sinasabing sa tabi lang. Ka binge naman ng drayber.
Manong: Sa mga hindi pa nagbabayad diyan. Mag bayad na ho. Malapit na ho tayo. Bayad bayad din pay may time. Titingin ka pa sa iba. Ikaw. Ikaw mismo. Ikaw na lang ang hindi nagbabayad.
Trabahador: Eto na ho ang bayad ko.
(Nakadating sa SM)
Estudyante: Kuya, sa tabi lang.
Pasosyal: Manong, We are here na sa SM. Sa tabi lang.
Trabahador: Sa tabi lang Manong.
Estudyante, pasosyal at trabahador: Manong, tabi lang.
Trabahador: Binge talaga so manong. Kailangan pa lahat tayo mag sasalita.
Pasosyal: Hindi, bulag yan si Manong. Hindi niya alam na nasa SM na tayo. Gigil si ako eh.
Estudyante: Hindi, namanhid na yan si manong. Kasi kahit anong gawin niya para maisaayos ang lahat. Lagi pa rin nasisira lahat. Tingnan niyo, na flatan ulit si manong.
END