I have this recurring dream. I was dancing on a stage, in front of hundreds of people, feeling the music as I gracefully moved my body following the beat. I'm the swan queen. All eyes were on me. My hands are moving up and down mimicking how a swan flutters its wings. I took a last twirl and finally bowed my head to signal the finale. Masigabong palakpakan ang binigay nila sa akin. Tumulo ang aking luha sa sobrang kasiyahan. Sana'y 'wag nang matapos ito.
Pagdilat ko ng aking mga mata, kadiliman ang tumambad sa akin. I caress the damp on my cheek because of the tears. How I badly wish for that dream to be real. I will do anything. Kinuha ko ang saklay sa tabi ng aking higaan. Binuksan ko ang kurtina upang pumasok ang liwanag sa labas.
That dream was once real. I used to be a ballerina. Abot kamay ko na sana ang mga pangarap ko kung hindi dahil sa aksidenteng naging dahilan nang pagkabali ng buto sa aking kanang binti. My hands formed into a fist as I watch those people walking on two feet but just doing nothing.
Bakit sa akin pa nangyari ito? Bakit hindi nalang 'yong mga taong walang ginawa sa buhay kundi umasa at maging pabigat sa iba? Bakit hindi nalang doon sa mga makasalan? Bakit ako pa? Marahas kong pinahid ang luhang nagbabadyang tumulo sa'king mata.
Paulit-ulit lamang ang ginagawa ko sa bawat araw at nagsasawa na ako. My father drive and fetch me to school. Attending classes that once interest me but now bored me a lot. Walking down the hallway with those eyes that's staring at me like I was to be pitied with and shown some mercy. Oh, please. I'm not gonna buy that drama bitches. Go home and fall asleep.
Ang panaginip na iyon nalang ang magandang nangyari sa buong maghapon ko. It's the same dream again. Just like before. This time I'm the Sugar Plum Princess from the Nutcracker. We already finished and the crowd applauded. My partner, Prince Eric was holding my hand. He pull me closer and gently caressed my cheek that was damped with tears. I shiver at his touch.
"Alam kong nahihirapan ka na, you can stay here for as long as you like. No one can hurt you." The gleam on his dark eyes is hypnotizing. Like I've been sunken into the great abyss. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Masaganang dumaloy ang luha sa aking mata. Gusto ko nang matapos ang pag-hihirap ko. Narito ang kasiyahan ko.
He smiled at me. Something... wicked but I don't care.
"One bite, is all it takes." The color of his eyes turned into bright yellow. Ang kanyang ngipin ay tinubuan ng matutulis na pangil. He tilted my neck and bring me closer to his mouth.
I gasp for air. Butil-butil ang pawis sa aking noo at nilalamig ako. It was just a dream. Kalma ko sa sarili.
Hindi ako mapakali dahil sa panaginip na iyon. Maari kayang iyon na ang sagot sa paghihirap ko? Umuwi akong lutang parin galing sa school. Tinatanong naman ako ng aking magulang kung anong problema ngunit hindi ko sila sinasagot.
Nakahiga ako ngayon sa aking kama at pinagmamasdan ang bagong lagay na glow in the dark stickers sa itaas. Bumibigat na ang talukap ng aking mata at ipinikit ko itong may ngiti sa labi. Ito na ang oras para lumigaya akong muli.
As I look forward to sleep and wake in that dream that I will soon be living, I bid good bye to this cruel world.
As I open my eyes, bumungad sa akin ang napakaraming tao. Nakasuot sila ng magagarang damit. Nakangiti sila sa akin. Lumapit sa akin ang isang lalaking nakasayaw ko noong huli. He offer his hand to me and flash his gorgeous smile.
"Are you ready?" he asked.
"Yes." He pull me closer to him once more. Tilted my head to give him access to my neck. I looked away and to my horror, all the people around us are smilling wickedly. Their eyes turned to bright yellow and the smile on their lips are stretching until it reaches their ears. Sumulpot din ang matutulis na pangil doon. Nagsitayuan ang balahibo ko sa batok. My heart is pounding inside my chest. What have I done? Nilingon ko ang lalaki at nagulantang ako sa kanyang hitsura! Ang dating gwapong muka ay napalitan ng nakakakilabot na anyo. Nalagas ang kanyang buhok at banat na banat ang kanyang balat sa muka na halos makita ko na ang mucles doon. Ang kanyang tenga ay naging matulis tulad ng sa duwende. Napahiyaw ako sa sakit nang bumaon ang kanyang matutulis na pangil sa aking balat. Parang hinihigop nito ang buhay sa aking katawan. Nakakakilabot na halakhak naman ang bumalot sa aking pandinig bago nagdilim ang lahat.
I look at myself lying on a casket. My physical body looks peaceful but my souls is not. I really want to take back what I've done. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi na sana ako humiling pa. Natagpuan ang katawan kong walang buhay kinabukan nang puntahan ako sa kwarto ng aking magulang. Dilat ang aking mata ngunit walang kulay doon. Nakabukas din ang aking bibig na parang humiyaw ngunit wala daw silang narinig nang gabing iyon.
If there's one lesson that I've learned in this life is that be careful what you wish for.