Magsulat ka
Hindi dahil sinabi nila
Kundi dahil alam mong manunulat ka
Magsulat ka
Hindi para sa ikasasaya nila
Kundi dahil dito ka maligaya
Muli, magsulat ka
Wag mong intindihin ang sasabihin nila
Husgahan man ang iyong akda
Hindi maikakaila ng mundo na magaling ka
Magsulat ka
Laruin mo ang mga letra
Bigyan mo ng emosyon ang bawat salita
Hanggang sa makabuo ka ng magandang piyesa
Magsulat ka
Wag kang huminto -- sige lang magpatuloy ka
Dahil ang manunulat kailan ma'y hindi maiisipang huminto
Sa halip ay isusulat lang nito kung gaano siya nanlulumo
Kaya ikaw, magsulat ka
Kung iniisip mong pipintasan ka ng lipunan
At baka ang iyong akda ay di magustuhan
Pakiusap, wag ka mag alinlangan
Magsulat ka
Wag mo sanang lisanin itong nakapagandang larangan
Dahil lang pinanghinaan ka ng loob at di mo nakayanan
Bagkus ay lumaban ka at sa kanila'y patunayan
Gamit ang iyong panulat at malawak na isipan
Magsulat ka
Paulit ulit ko itong babanggitin
Hindi ako magsasawang sabihin
Ipapaalala ko sayo kung gaano ka kagaling
Magsulat ka
Kung ika'y nawawala na sa wisyo
Isa lang ang maipapayo ko
Pakiusap kaibigan, magsulat ka
