Sa mga sumunod na araw nating pagkikita ay masasabi kong may nararamdaman na ako.
May nararamdaman na ako sayo.
Hindi galit, hindi rin inis kundi kilig, tuwa, saya, galak, ligaya
Kahit pare-parehas man yan ng kahulugan, isa lang ang ibig sabihin nito, umiibig lang ako.
Umibiig ang puso ko na para itong aso na nasa kulungan na naghuhumiyaw kapag nakita ka
Nag huhumiyaw ng mga salitang
Iniibig kita, Minamahal kita, Mahal na kita, I'm in love with you
Mahal na mahal na kita, Mahal na kita? Pero may mahal ka ng iba
Oo, alam kong may iba ka na pero mahal pa rin kita
Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko kung bakit ba sa bilyon bilyong tao ang nabubuhay rito sa mundo ay ikaw pa talaga ang pinili nitong puso ko
Kung pwede nga lang turuan ang puso ko na itigil na itong kahibangan ko ay matagal ko ng idinikta rito na kailangan ko ng huminto dahil kapag pinagpatuloy ko pa ito ay mas lalo lang lala, mas lalo lang lalamin ang mga sugat sa puso ko.
Naiinis ako kung bakit pa na imbento ang salitang "pero" dahil binibigyan lamang ako nito ng dahilan para mas lalo pang mag patuloy dahil kahit na hindi na pwede ang isang bagay, na kahit wala na talagang pag asa at kahit alam kong wala na akong magagawa pa, ay nandyan ang salitang "pero".
Pero kahit alam ko na may mahal ka ng iba, mahal pa rin kita.
Pero kahit masaya ka na sa kanya, masaya pa rin ako kapag nakikita ka.
Pero kahit alam kong nasasaktan na ako, kinakaya ko pa rin naman.
Nasasaktan ako pero mahal kita eh.
