It has been 9 months and 24 days since I lost him. Wala yatang oras o sandali na hindi ko sya naaalala. Kahit saan ako tumingin palagi kong iniisip na makikita ko sya na nakangiti. Ilang beses ko rin inisip na sana isa lang panaginip ang lahat ng ito. Na sana pagkagising ko ay nandyaan sya para batiin ako at halikan pero wala. Dahil kahit anong kurot ang gawin ko hindi ako nagigising sa bangungot na kinakasadlakan ko. Mahirap gumising sa umaga na alam kong hindi ko na sya makikita. Hindi ko na maririnig ang boses nya. Hindi ko na maririnig mula sa kanya na mahal nya ako.
Rogen was my husband for almost 10 years. We had ups and downs and petty fights pero hindi nuon nabawasan ang pagmamahal na meron kami para sa isa’t isa bagkus mas pinagtibay pa kami. First 2 years of our marriage was chaos. Madalas kaming nag-aaway to the point that sometimes nagkakasakitan kami but at the end of the day naaayos rin namin kung ano man ang pinagaawayan naming. Rogen became my best friend. My shoulder to cry on, and my knight.
Being married to him for 10 years was the best experience na hanggang sa kahuli-hulihang hininga ko ay dadalhin ko. Si Rogen kasi ang lalaki na walang bisyo, hindi mabarkada at ni minsan kahit isang beses ay hindi nambabae. Pinaramdam nya sa akin na ako lang sapat na para sa kanya. Marami akong mga bagay na natutunan sakanya isa na duon ang maging kuntento sa bagay na meron ka at magpasalamat. Hindi masamang maghangad pero dapat higit sa lahat ay matuto ka munang makuntento sa kung anong meron ka. Kapag nagawa mo yun kahit maliit na bagay ay magiging masaya ka.
June 12, 2017. Yung simpleng eye checkup yun na rin pala ang magiging simula ng lahat. He was diagnosed with very very severe aplastic anemia. Isang klase ng cancer sa bone marrow that has no cure. And for almost 3 month of our battle, August 1, 2017 at 7 in the evening he passed away. Ito rin ang araw na pati ang puso ko namatay. For a couple of months I was lost but eventually I find my way back on track again.
Marami akong tanong sa dios. Bakit sya? Bakit kailangan ngayon? Bakit kailangan kong pagdaanan lahat ng ito? Bakit kailangan kong maging byuda sa edad na 28? Maraming tanong na hindi ko alam kung kelan masasagot. O kung may sagot nga ba.
Sa ngayon, para libangin ang sarili ko at makayanan lahat, nag-aaral ako ulit. I enrolled myself again and currently taking up computer engineering. I need to divert my attention. Kailangan kong maging matatag para sa mas mabibigat pang hamon ng buhay para kahit wala na sya hindi sya magsisisi na iniwan nya ako agad. Nangako ako sa kanya na magiging matatag ako at tutuparin ko yun.
People usually pity on me. Pero hindi dapat. Yes, maaga akong nawalan ng asawa pero yung pagmamahal na naramdaman ko mula sa asawa ko noong nabubuhay pa sya ay enough na para mabuhay akong masaya kahit wala na sya. I’d rather want to be an inspiration to other people kesa kaawaan. Life is unfair. It will never be fair pero as long as alam mo ang salitang kontento. For sure magiging masaya ka.