Hindi siya lumilipad
Pero puso niya'y malapad
Wala siyang kapangyarihan
Pero kaya niyang humabol sa aking kaarawan
Hindi niya kayang tumalon ng malakas
Pero hindi siya nagagalit 'pag pera ko'y aking winawaldas
Wala siyang kapa at tirahan sa alapaap
Pero kaya niyang magbigay ng isang daang yakap
Hindi siya guwapo
Pero siya lang ang meron ako
Hindi siya perpekto
Pero siya ang hero ko
Unang beses na namulat ako
Tinig niya ang narinig ko
Braso niya ang nagpakalma sa puso ko
Ang halik niya ang dahilan nang pag ngiti ko
Siya ang first love ko
Sa paraang paano niya ko itrato
Walang makakapantay na ibang tao
Kaya siya ay talagang pinapahalagahan ko
Inalalayan niya ako sa unang lakad ko
Maging sa unang pagtakbo at sa lahat ng pagkadapa ko
Naaalala ko pati pala ung una kong banggit sa pangalan ko
Nandoon siya at nakaupo
Nandiyan na siya
Hindi pa pantay ang palad namin
Nandiyan na siya
Nung hintuturo pa lang niya ang kaya kong hawakan
Tinuruan niya
Akong tumawa
Maging magalang
Maging tunay na bata
Nandiyan siya noong unang nagkasakit ako
Wala siyang kapangyarihan pero gumagaling ako
Nandiyan siya nang umiyak ako
Hindi siya panyo pero siya ang nakapagpatigil sa akin
Hindi siya perpekto
Hindi din siya salamangkero
Pero siya ang hero ko
Siya? Siya ang papa ko