Friend, best friend, tol, pare, mare, mars, pards, parekoy, tropa, friendship. Yan ang mga madalas na tawag natin sa mga taong malapit sa atin. Sa kaibigan natin.
Theo: Para sa inyo, ano ba ang ibig sabihin ng kaibigan? Kung tatanungin niyo ako, kung ano ang ibig sabihin ng kaibigan? Para sa akin ang kaibigan, sila yung taong gusto mo laging kasama at masaya ka kapag kasama mo sila. Sila rin yung taong malapit sayo kaya napapagkatiwalaan mo. Sila rin hung maaasahan o mahihingan mo ng tulong lalo na sa oras ng pangangailangan. Kaya para sa akin, ang kaibigan ay isang kayamanan.
Theo: Ayy! Ako nga pala si Theo. Kung maitatanong mo kung may kaibigan ako? Syempre naman meron. Apart nga lang sila. Pero kahit na apat lang sila, masarap at masaya naman silang kasama. Kahit na magkakaiba kami ng katangian. May tahimik, si Rodel yun. Siya ang pinakatahimik sa aming lahat.
Rodel: (Ngingiti) okay lang ako.... Oo, nakagawa na ako ng assignment..
Theo: Kung anong tanong siyang sagot. Yun si Rodel, Pero kahit napakatahimik niya, at least hindi siya KJ. Kapag nagyaya kami, sasama agad yun. Tapos lagi pa siyang nang lilibre. Yung isa ko pa nga palang kaibigan, si Jethro. Napaka organize niyang tao at meron siyang potential ng pagiging isang leader.
Jethro: Guys, hindi tayo matatapos sa project nation kung puro na lang tayo kwentuhan kailangan din natin kumilos. Tandaan niyo guys next week na ang pasahan nito, pero wala pa tayong ginagawa. Ganito na lang ang gawin natin para mas mating maayos. Iaasign nation hung mga kanya-kanyang task para lahat tayo kumikilos. Making cooperate din tayong lahat para matapos natin ito agad. Okay ba yun? Okay guys, move move. Let's work.
Theo: Yung isa pa pala so Hey Jude. Jude lang talaga ang pangalan niya pero tinatawag ko siyang hey jude. Siya ang relihiyoso sa among lahat.
Jude: Guys, bago tayo kumain, kailangan muna tayong manalangin. Dahil ang pagkain na ito at ang blessings na natatamasa natin at lahat Taking sa Panginoon. Kaya dapat matuto tayong magpasalamat sa kanya.
Theo: Muntik ko na nga pa lang makalimutan, yung pang apat Kong kaibigan. Si Ericko. Siya lang naman ang pinaka corny sa aming lahat.
Ericko: Ui, Theo. Buti na lang ang nakita na kits. Syempre matik na nag baon lang naman ako ng nakakatawang mga jokes. Sige simulan ko na baka makalimutan ko pa eh. Knock knock. Theo. Theo ako ohh. Basang basa sa ulan, walang masisilungan walang malalapitan. Oh diba, tawang tawa ka na. Meron pa. Knock knock The hill and cow. The hill and cow ang sigaw ng puso ko ikaw ang nasa isip ko. Diba. Havey. Meron pa. Knock knock. Sinigang. Sinigang sandal ka lang at wag mong pipiilan. Iiyak mo na ang lahat sa akin. May isa pa syempre. Use Zamboanga in a sentence. Diba Theo may nagsasabi na gwapo ka raw sasabihin ko naman. Weh? Di nga? Zamboanga.
Theo: Sila yung mga kaibigan ko. Sila yung taong gusto ko laging kasama at masaya ako kapag kasama ko sila. Sila rin yung taong malapit sa akin kaya napapagkatiwalaan ko sila. Sila rin yung maaasahan o mahihingan ko ng tulong lalo na sa oras ng pangangailangan.