Jacket niyang kulay dilaw
Pag lumitaw
Hindi mapigilan ang puso ko
Sa pag-alingawngaw
Sa una ayaw ko kung paano siya gumalaw
Paano siya humataw, paano siya sumayaw at humiyaw,
Kung paano siya isigaw ng puso kong ligaw
Ng puso kong baliw naman sa pag-ibig
Sa isang tao na balang araw ay bibitaw
Hindi niya ako mapansin
At alam kong hinding-hindi niya ako bibigyan ng pansin
Yung tipo niya ay para lang sa maganda
Yung baba ako, taas siya
Kape ako, gatas siya
Ballpen ako, lapis siya
Yung gusto ko siya, pero iba ang gusto niya
At hindi maikukubli na ang layo
Ng pagitan naming dalawa
Parang hinlalaki at hintuturo yung agwat
Ang laki
Minsan, isang araw
Nakatabi ko siya. Suot niya ang jacket niyang dilaw
Bigla ang puso ko ay humiyaw
Hindi dahil sa saya o sa mga taong sumasayaw
Ang sakit ng puso ko
Ng malaman ko
Malayo ako sa lalaking gusto ko
Magkatabi kami pero hindi ko siya maabot
Napangiti ako dahil sa takot
Lumayo ako dahil sa lungkot
Tumakbo ako sa sulok at nangilabot
Dahil alam ko na kailanman hindi ko siya maaabot
Alam kong mali ang umibig sa'yo
Pero iibigin pa rin kita kahit patago
Kahit alam kong sakit dito
Sa puso ay lalago
Kahit ako lang ang nagmamahal, promise!
Hindi ako lalayo