Isang beses sa campus, nakita kita na may kasamang iba
Magkahawak kayo ng kamay, nakatingin sa isa’t isa
Para kayong bida sa isang romantic na pelikula
At andun din ako, isang extrang pilit na umeeksena
Hindi ko namalayan ang oras na tila huminto
Mga mata mo nakatingin na pala sa kinatatayuan ko
Balak ko na sanang tumakbo palayo sa inyo
Pero di ko nagawang gumalaw nang tawagin mo ang pangalan ko
Pinilit kong ngumiti nang magsimula kang magsalita
Siya pala yung nabanggit mo sa’king gusto mong ipakilala
Akala ko kung sinong kaibigang idadagdag sa tropa
Yun pala.. magka-ibigan na kayong dalawa
Alam kong dapat maging masaya ako para sa'yo
Pero ang kirot sa dibdib ko hindi humihinto
Bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko
At ginawa kong excuse ang pumunta na lang sa banyo
Kasalanan ko din naman, hindi ako nagsabi ng totoo
Nung minsang tanungin mo ako nang pabiro
“May posibilidad bang maging tayo?”
Tumawa lang ako, hindi ko nasabi ang salitang “oo”
Ngayong nakahanap ka na ng magmamahal sa'yo
Ang ending mag-isa akong nasasaktan ng todo
“Hanggang dito na lang ako,” sambit sa sarili ko
Dahil meron ng kayo, ayoko nang makigulo
(Song Inspiration: Migraine by Moonstar 88)