top of page

Advance Mag-Isip


Utak

Utak ang gamitin

Higit sa puso

Puso

Puso ay marupok

Damdamin ay mapanlinlang

Emosyong minsan ay di mapigilan

Isip

Isip ay gamitin

Kapag kailangan mong pumili

Dahil ang nararamdaman

Ay di pwedeng asahan at sandalan

Hindi mo ba napagtanto

Na may rason ang lahat

Kung bakit inilagay ang utak

Na mas mataas sa puso

Isip bago dibdib

Katagang pagmamatwid

Ang dapat sa pagpili

Lalo na’t mahalaga ang gagawin

Gagawing pagpapasya

Na makakaapekto sa takbo

Ng buhay mong puno ng daan

Tahakin mo ang tama

Timbangin ang mga bagay

Busisiin ang pwedeng mangyari

Dahil nasa kamay mo

Nakasalalay ang hinaharap

Bukas na dapat ay kaaya-aya

Mga pagpiling hindi mo pagsisisihan

Sa kadahilanang alam mo ang tama

Ngayon, mag-isip at magplano

Sa mga bagay na paparating

Sa mga desisyong kailangan gawin

Sa pamilya, sa pag-ibig

Sa pera, sa personal

Ang tagumpay ay hawak mo

Maging maingat sa mga bagay

Na aanihin mo pagdating

Ng kinabukasan na haharapin


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page