top of page

Araw ng mga Puso

Paano mo ito ipinagdiriwang?

Kahit walang kasintahan

Ay maaari mo pa rin

Itong ipagdiwang

Dahil ang araw na ito

Ay para sa kanino man

Ang araw ng mga puso

Ay para sa lahat

Para sa mga nagmamahal

Para sa mga may iniingatang relasyon

Para sa mga iniibig

Para sa mga nagpapakita ng tunay na pag-ibig

Para sa mga may pamilya

Na minamahal ang kanilang ina

Na tinitingala ang kanilang ama

Na pinapahalagahan ang kanilang mga kapatid

Tunay na ang relasyon

Ay hindi lamang limitado

Sa kasintahan

Kundi pwede rin sa iba

Sa mga kaibigan

Na matagal ng kasama

Samahang mula bata pa

Na hinubog ng panahon

Sa mga kamag-anak

Na nakakasama sa mga okasyon

Sa iba’t ibang mga selebrasyon

Dugong nananalaytay sa angkan

Sa mga kasama sa trabaho

Na anumang hirap ng mga gagawin

Ay karamay mo sa mga dapat tapusin

Na kailangang ipasa sa nakakaitaas

Huwag natin limitahan ang pagmamahal

Pwedeng sa atin at sa iba

Sa sarili at sa kanila

Sa bawat isa

Punuin ng pag-ibig ang buong mundo

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page