Dear Life
Bakit parang mag-isa lang ako?
Bakit sila nagkakagulo?
Bakit ako nagkakaganito?
Andami kong tanong, ni isa walang sagot
Susukuan na ba kita? O kakayanin ko pa?
Mukhang hindi mo rin alam ang sagot dito
Bakit andaming problema sa mundo?
Bakit hindi matigil ang kasamaan ng tao?
Bakit pera ang kailangan para makamtan ito?
Nakakatawa na nakakatuwa
May makakasagot ba sa mga katanungan ko?
Buhay nga naman, di matanto kung paano malalagpasan