top of page

Munting Pangarap


Nangarap ako noon. Pinangako sa sarili na mararating ko ‘yon

Nagsumikap. Nagtiyaga. Nag-ensayo. Naghintay

Marami akong natutunan na humubog sa aking katauhan

At di nagtagal, ang nais ay akin ding nakamtan

Nangangarap ako ngayon at alam kong malapit nang matupad ‘yon

Mahirap. Matagal. Masakit. At minsa’y mapapa-ayaw ka na

Ngunit alam kong ito ang gusto kong pasuking mundo

Ito ang landas na tatahakin ko. Kahit gaano pa kalayo, kakayanin ko

Mangangarap pa rin ako. At tulad ng dati, makakamtan ko rin ito

May tuwa. May lungkot. May kirot. May takot

Marami mang kabiguan na susubok sa aking munting pangarap

Kakayanin ko itong lagpasan ng walang pag-aalinlangan


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page