top of page

Bakit Ang Hirap Mag-Adulting?


Bakit ang hirap mag adulting?

Puro bayarin, puro isipin

Ngunit hindi natatakot sa mga problemang haharapin

Dahil sa bawat problema, ay kaya nating solusyunin

Bakit ang hirap mag adulting?

Wala ng time para sa pamilya

Wala ng time para sa mga galang tayo’y inaya

At ang ating hiling na lang ay tayo’y maging malaya

Bakit ang hirap mag adulting?

Ang dami-daming responsibilidad

Todo kayod pa rin tayo, kahit ubos na ang ating kapasidad

Kahit tayo’y pagod na, gawain pa rin ay may magandang dekalidad

Bakit ang hirap mag adulting?

Nahihirapan na tayo magbudget ng sarili nating pera

Kahit pintuan ng ating kakayahan ay tila pintong nagsara

Ngunit ganun talaga sa buhay, kailangan pa rin nating kumarera


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page