Ano Nga Ba Ang Totoo?
- Pencil Book Philippines
- Jan 28, 2019
- 1 min read
Maraming ibig sabihin ang pag-ibig
Marami ring nagbibigay ng kahulugan
Ito’y isang salitang napakalawak
Lalo na kung iyong pakikinggan
Sabi nila bulag ang pagmamahal
Ang pag-ibig ay di makasarili
Masakit ang magmahal
Hindi humihingi ng kapalit
Sa daming opinyon
Sa dami ng boses na naririnig ko
Ano nga ba ang totoo?
Ano nga ba ang paniniwalaan ko?
Nakakalito. Nakakatorete.
Nakakainis. Nakakalungkot.
Iba’t ibang emosyon
Iba’t ibang aksyon

Sa pagpapakita ng pagmamahal
Tayo ay magkakaiba
Ngunit saan ba tayo nagkakaisa?
Kapag pag-ibig na ang usapan
Ngunit isa lang ang tunay na basehan
Kung ano nga ba ang totoo
Ano nga ba ang ibig sabihin nito?
Heto, pakinggan mo
Galing sa salita ng may akda
Sa unang nagmahal sa atin
Siyang tapat nating Ama
Sa langit ay bumaba siya
Ito ang tunay na pag-ibig
Mahaba ang pasensya, mabait
Hindi naiinggit, hindi mayabang
Hindi bastos, hindi makasarili
Hindi nagbibilang ng mali
Hindi natutuwa sa masama
Kundi nagsasaya sa katotohanan
Iingatan ka
Laging nagtitiwala
Palaging umaasa
Patuloy na nagtitiyaga
Ito ay tunay at totoo
Pagmamahal ng iba
Ang dapat na inuuna
Pag-ibig? Ito ang totoo.
Why Choose Experts for Reflection Paper Writing Help?
Choosing experts for reflection paper writing help ensures that students receive well-structured and insightful content. Professionals have the skills to analyze experiences critically, enhancing the depth and clarity of reflections. BookMyEssay offers reflection paper writing help online assignment help, providing tailored solutions that align with academic requirements. Their experts focus on delivering plagiarism-free, high-quality papers while ensuring coherence and strong analytical perspectives. With professional assistance, students can meet deadlines efficiently and improve their academic performance. Relying on specialists guarantees well-researched, error-free assignments, allowing students to concentrate on other essential academic responsibilities.