top of page

Hinahanap Hanap

Maraming taong naghahanap

Nasaan nga ba ang pag-ibig?

Nasaan nga ba ang tunay na uri nito

Totoong pag-ibig at hindi mapanlinlang

Sa panahon ngayon

Mga bagay ay nag-iba na talaga

Dating Maria Clara

Ngayo’y naging Sisa na

Binibining Filipina

Na mahinhin at di makabasag pinggan

Mahinahon at mayumi

Hinihintay ang tamang panahon

Pagkakataon na suyuin

Dumaan sa proseso

Hayaang ligawan ng binate

At hayaang maranasan ang hirap

Sakripisyo para mapatunayan

Ang kagustuhan at paghanga sa dalaga

Nang masukat ang pag-ibig

Na iniaalay sa isang babae

Nasaan na ang henerasyong

Pinapahalagahan ang paghihintay

Ang kahalagahan ng tunay na pag-ibig

Na handang gawin ang lahat

Mapatunayan lamang ang intension

Sa isang dilag na dapat paghirapan

Ang bagay na nakuha sa mabilisan

Ay sa isang iglap at pagsubok ay naglah

o na lamang

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page