top of page

Gipit At Pilipit


Madaming bakit

Hindi na maintindihan

Hirap na nararanasan

Sa pagkita ng salapi

Paano nga ba?

Hanggang kalian nga ba?

Maghihikahos at magpapagal

Sa trabaho para maghanapbuhay

Sige lang sa pagkayod

Sige lang sa pagpupuyat

Para makamit ang gusto

Para mabili ang nais ko

Ngunit aking napagtanto

Na hindi sa laki ng kita

O tindi ng pagpapagal

Upang masabing sapat na

Mag-isip. Magplano

Ayusin. Lutasin

Alamin. Usisain

Solusyunan. Abangan

Karunungan ang kailangan

Kaalaman ang dapat umiral

Huwag emosyon at kagustuhan

Kundi ano ang tama at nararapat

Matutuong gumawa

Nang salapi ay makuha

Idagdag ang ipon

Para handa sa anumang sakuna

Palaguin ang pera

Ingatan ang ari-arian

Palakihin ang yaman

Pagtibayin ang kasaganaan

Kailangan ng dunong

Maging pantas

Sa paghawak ng kaperahan

Dahil ito’y biyaya

Tayo’y katiwala

Nang Diyos na nagpapala

Kaya dapat nating ingatan

Ang ibinibigay Niya sa atin

Ating responsibilidad

Ang hawakan ang ating salapi

Maayos at masinop

Yan ang dapat na ating ginagawa

Hinding hindi magkukulang

Kapag sa Kanya ay makikinig

Dahil ang Kanyang aral

Ay hinding hindi magkakamali


 
 
 
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
bottom of page