top of page

Hanggang Saan Ang Tapang #BeCourageous


Madaming problema

Hindi nauubos na pagsubok

Kailan mawawala

Kailan titigil

Mga pinagdadaanang matindi

Problemang pumupuno sa isip

Alalahanin na di na napapakali

Mga hirap na pilit iniintindi

Dapat mo ng isuko

Pagsubok na nararanasan mo

Tanging si Hesus lamang

Ang magbibigay gaan sa’yo

Iiyak mo ng buong puso

Ibigay mo sa Kanya

Lahat ng bigat na iyong dala

Tiyak na ang isip mo ay payapa

Maging malakas

Kaya mo dahil Siya ay kasama mo

Maging matatag

Dahil pag-asa mo ay sa Kanya nakatuon

Malalagpasan mo rin

Mga hamon ng buhay

Ito ay ibinigay sa’yo

Dahil alam Niyang kaya mo

Magpatuloy. Magdasal

Lumaban. Sikapin

Yan ang mga bagay

Na dapat ay iyong tinataglay

Puso para kayanin

Pananampalatayang kayang abutin

Ang mga imposibleng mangyari

Ang mga pagsubok na mahirap

Ikaw ay sinusubok

Upang ikaw ay tumibay

Mga ugaling hindi kaaya-aya

Kanyang pipinuhin

Magpasalamat ka

Magdiwang ka

Ang liwanag ng pagpapala

Ay makakamtan mo na


 
 
 
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
bottom of page