top of page

Maging Matapang sa Kahit Anong Klaseng Pag-Ibig


Eros

Maging matapang sa marubdob na pag-ibig

Iparamdam ito kapag ikaw ay kasal na sapagkat ito ay sagrado

Sagradong pagmamahal na ibinigay ng nasa itaas

Philia

Maging matapang sa pag-ibig ng pagkakaibigan

Ipakita ang pagmamahal mo sa iyong kapwa

Sapagkat andyan sila upang sumuporta at tumulong sa iyong pangarap

Storge

Maging matapang sa pag-ibig mo sa iyong pamilya

Andyan sila kapag ikaw ay masaya

at andyan sila kapag ikaw ay malungkot

Kahit anuman ang iyong sitwasyon, palaging andyan sila

Para protektahan, ipagtanggol at patuloy ka nilang mamahalin

Kaya pahalagahan mo sila

at ibigay ang iyong tunay na pagmamahal

Ludus

Maging matapang sa iyong unang pag-ibig

Maging masaya lamang at damhin ang bawat sandali

Sapagkat masaya ang buhay at umibig ng patuloy

Mania

Maging matapang sa sobrang pag-ibig

Sabi nga nila, lahat ng sobra masama

Balansehin ang lahat ng bagay

Matutong magmahal ng iba ngunit matutong magtira ng pagmamahal sa sarili

Pragma

Maging matapang sa pag-ibig na pangmatagalan

Patuloy na umibig, patuloy na ipakita ang iyong pag-aaruga sa iyong asawa

Panatilihin itong masaya at panatilihin itong matagal

Philautia

Maging matapang sa pagmamahal sa iyong sarili

Bago ka magmahal ng iba

ay dapat alam mo kung paano mahalin ang sarili

Agape

Maging matapang sa pag-ibig

na walang hinihiling na kapalit

Maging matapang

sa kahit anong klase ng pagibig


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page