Ayoko Na
- Pencil Book Philippines
- Nov 2, 2018
- 1 min read

Hirap. Ang hirap tumanda.
Hirap. Ang hirap dumating sa panahon
Panahong tapos ka na
Tapos ka na sa panibagong kabanata
Kabanata. Kabanatang nagtatrabaho ka na
Kabanata. Kabanatang tapos ka na mag-aral
Pag-aaral na dati’y gusto mong malagpasan
Nang malagpasan ay gustong balikan
Balikan. Balikan natin ang oras na kaunti lang
Kaunti. Kaunti pa lang ang responsibilidad
Responsibilidad na pumasok sa paaralan
Paaralang araw-araw ay pupuntahan
Puntahan. Puntahan na natin ang katotohanan
Katotohanan. Katotohanang may mga dapat ka ng bayaran
Bayaran. Bayaran na walang humpay at di nauubos
Di nauubos dahil tuwing katapusan ay kailangan paghirapan
Paghirapan. Paghirapan ang bawat sentimo at piso
Piso. Piso na higit pa sa ginto ang halaga
Halagang mayroon nga ba?
Mayroon pa bang pangarap?
Pangarap. Pangarap na tila naglaho na
Naglaho. Naglaho sa realidad na kailangan kumita
Kumita muna ng pera dahil ito ang buhay
Buhay na kinakaharap na natin ngayon
Ngayon. Ngayong puro trabaho na lang
Trabaho. Trabaho para mabuhay
Mabuhay para makakain
Makakain para magpatuloy sa buhay na ito
Buhay. Buhay pa ba ang tawag dito?
Dito. Dito na sa kasalukuyan
Kasalukuyang ayoko nang manatili
Dahil pagnanatili ay hindi na uusad
Usad. Usad na sa panibagong pahina
Pahina. Pahina ng buhay na dapat ay mas masaya
Masayang nabubuhay na may layunin
Layuning dapat gawin
Gawin. Gawin na nating kakaiba
Kakaiba. Kakaibang buhay para sa ating sarili
Sarili na nag-iisa at karapatdapat pahalagahan
Makabuluhan at may kasaysayan