Gumawa Wag Puro Kuda
- Pencil Book Philippines
- Nov 2, 2018
- 1 min read

Napakadami nang opinyon
Malakas na pagpindot
Sa mga letra para ipakita sa madami
Ngunit, natanong mo ba ang sarili?
Hindi mauubos ang bawat prinsipyo
Ang bawat komento sa mga nangyayari
Lalo na sa pulitika at gobyerno
Ekonomiya at pangyayari sa mundo
Ituon ang atensyon sa pagbabago
Na nagsisimula sa’yo
Huwag umasa sa iba
Kung mismo ikaw ay hindi nakakatulong
Simulan mo sa sarili
Ang hinahanap mo sa iba at sa marami
Huwag mong ituro ang paninisi sa iba
Dahil tayo ay dapat responsable
Akuin ang bawat aksyon
Kabutihan ang pairalin
Pagiging matuwid ang asahan
Sa sarili tumingin, huwag sa iba
Laging magsaliksik
Ugaliing magtanong
Kung ikaw ang nasa posisyon ng nauukulan
Sa tingin mo, ikaw ay masisiyahan?
Anong masasabi mo sa mga bagay na nagawa mo
Kung ikaw ang nasa posisyon ng mga binabatikos mo
Sa tingin mo’y mahihigitan mo ang nakamtan nila?
Tingnan ang sarili kaysa magturo at manisi ng iba
Sa sarili mong paraan ay gumawa ka
Sa halip na bumatikos ay kumilos ka
Mag-ambag ka sa pagbabagong hinahanap mo sa bansa
Huwag puro kuda na wala naming napapala