Hindi Na Ako Masaya Sa Work
- Pencil Book Philippines
- Nov 2, 2018
- 2 min read

Nahihirapan na ako
Nahihirapan na ako sa bagong yugto ng buhay ko
Hindi ko inaasahan na ganito pala kahirap ang buhay
Hirap na sa pagbudget ng pera, hirap pa sa pag balanse ng oras
Minsan naiisip kong bumalik na lang sa pagiging estudyante
na kahit nahihirapan na ako, masaya pa rin ako
Nahihirapan na ako. Nahihirapan na ako sa adulting life
Ayoko na
Ayoko nang gumising ng madaling araw
para makipagsapalaran sa kahabaan ng EDSA
Gumising ako ng alas dos
upang hindi mapagalitan ni boss kung bakit ako late
Dalawang oras akong nakatayo sa siksikan na bus papuntang Ortigas
Ngalay na mga paa ko. Ngalay na mga binti ko. Ngalay na ang batok ko Kakahintay kung anong oras ako makakababa
sa halos hindi umuusad na trapiko sa EDSA
Ayoko na. Ayoko na magbiyahe ng mahabang oras
Pagod na ako
Pagod na ako sa mga pagalit ng boss ko
na dinaig pa niya ang bulkang Mayon sa halos araw-araw niyang pag-aalburoto
Ginagawa ko naman ang lahat. Pinipilit ko namang hindi gumawa ng mali pero bakit para siyang nanay ko na lagi na lang akong kinukudaan
na parang wala na akong ginawang tama
Pero buti pa nga ang nanay ko, na-appreciate ako at mahal ako
Pero yung boss ko, hindi na nga nag a-appreciate, hindi pa ako mahal Kasi puro mura lang ang natatanggap ko.
Pagod na ako. Pagod na ako sa pagpapasensya sa boss ko
Nakakasawa na
Nakakasawa na ang paulit-ulit na ginagawa ko sa trabaho
Puro emails at meeting na lang lagi araw-araw
Wala man lang bago. Wala man lang akong nararamdaman na fulfillment
sa mga bagay na ginagawa ko
Ewan ko ba. Baka ako lang ang nakakafeel ng ganito
yung hindi ko na nakikita yung pinakapurpose ko in lifeNakakasawa na. Nakakasawa nang bumalik sa paikot-ikot kong buhay
Nakakatamad na
Nakakatamad nang pumasok. Yun lang. Tinatamad na ako lalo na kapag Lunes. O, Lunes na gusto ko nang gawin itong Biyernes.
Parang gusto ko laging weekend na lang para
ma enjoy ko naman ang life na deserve ko
Sa pitong araw sa isang lingo, dalawang araw lang ako nagiging masaya Dalawang araw lang ako nakakapagpahinga
Nakakatamad na. Nakakatamad nang magtrabaho ng magtrabaho.
Hindi na ako masaya
Hindi na ako masaya sa mga bagay na ginagawa ko
Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung paano ako humantong sa ganito
Nagising na lang ako isang araw, nahihirapan na ako, ayaw ko na, pagod na ako, nagsasawa na ako at tinatamad na
Bottomline, hindi na ako masaya
Kaya siguro gusto ko laging nasa food park ako tuwing payday, nasa galaan ako every weekend, nasa beach ako tuwing summer, namumundok ako every month at nagttravel ako sa mga malalayong lugar tuwing vacation leave ko
Pero, kahit lahat ng ito’y ginagawa ko, hindi pa rin ako masaya