Search
Huwag Puro Mema
- Pencil Book Philippines
- Nov 2, 2018
- 1 min read

Sa mundong ito na ating ginagalawan
Bawat salita mo ang daming mema ng karamihan
Halos lahat ng ganap sa buhay mo, gusto na nilang malaman
“Privacy” kung tawagin, tila hindi na maramdaman
“Freedom of Speech” sigaw ng ilan
Aba! May point naman, pero yan ay may hangganan
Kung ikaw ba ang na-bash, iyo itong magugustuhan?
Walang tigil sa pagkuda, ni hindi alam ang kabuuan
Huwag na tayong sumabay sa bawat kalokohan
Hindi natin alam, meron na tayong natatapakan
Respeto sa isa’t isa, yan ang kailangan
Huwag puro mema, hindi ka sisikat diyan!