Search
Inflation Pa More
- Pencil Book Philippines
- Nov 2, 2018
- 1 min read

Daing ng mga tao, wala ng katapusan
Sa bawat balita, ikaw na lang lagi ang laman
Pitakang hawak ko, laging nawawalan
Sa kada taas mo, bulsa’y nauubusan
Kelan kaya bababa, presyo mong ginintuan
Sana nama’y isipin, nahihirapan na ang karamihan
Sa pagkayod araw-araw, kulang pa ang isang buwan
Mahal naming gobyerno, sana kami’y matulungan
Hindi na nakakatuwa, pagtaas mong walang hanggan
Pamahal ka ng pamahal, umaaray na ang taong bayan
Baka gusto mo namang huminto ng panandalian
Para naman matapos na ang napipintong kaguluhan