Kaya Mo Pa
- Pencil Book Philippines
- Nov 2, 2018
- 1 min read

Ang dami mong hugot
Dahil marami kang pinagdadaanan
Na walang nakakaintindi
Walang nakakaunawa
Mahirap ang buhay
At mahirap din mabuhay
Sa mundong ito na puno ng mga isipin
Pati responsibilidad na hindi mo na mabilang
Alam kong simple lang naman ang gusto mo
Ang pamumuhay na magaan at simple
Yung hindi mo na kailangan isipin
Ang mga bayarin mong walang hanggan
Bakit ba kasi ang daming kailangan gawin?
Magtrabaho, kumita ng pera, kumayod
At paulit-ulit na gagawin mo buong buhay mo
Eto na lang ba ang dahilan kung bakit andito ako sa mundo?
Naniniwala akong hindi lamang ito
Ang layunin ko kung bakit ako nabubuhay
Pangarap ko ay mabuhay ng tunay
Maging maligaya at makita ang totoong mundo
Masayang makita ang mga lugar na magaganda
Matikman ang mga pagkaing masasarap
Na hindi na iisipin ang pambayad
At ang presyo ng dapat kailangang bilihin
Konting hinga pa
Patuloy na magdasal pa
Kayanin mo pa
Dahil ito ang dapat