Gastos sa Pasko
- Pencil Book Philippines
- Nov 29, 2018
- 1 min read

Parating na naman
Ang okasyon na inaabangan
Huling buwan ng taon
Nagmamadaling mag-ipon
Ang iba’y masaya
Ang iba’y hindi na
Dahil ang perang inaasahan
Ay madali rin namang mawawala
Minsan nga’y hindi mo ramdam
Madalas ay gusto mo na lang kalimutan
Kwartang tila malaki
Bigla rin namang binabawi
Bili doon, bili dito
Para sa handa, para sa regalo
Para sa bagong damit, para sa bagong gala
Kabi-kabila ang gastos, hay paano ba?
Hindi ko maisip
Kung paano pagkakasiyahin
Ang tila apaw na salapi
Na matatanggap ngayong Disyembre
Inaasahan ang bonus
Hindi maitago ang saya
Sa 13th month na matatangap
Sana nga’y magamit ng tama
Bakit ba ang hirap?
Bakit ba ang liit?
Bakit ba napakakaunti?
Bakit ba ganito?
Lilipas lang ang pasko
At matatapos din ito
Sweldong natanggap
Mabilis din naming maglalaho
Pera, pasko, paano?
Hindi ko na alam
Hanggang saan ako dadalhin
Ng aginaldong mumunti
Sa selebrasyong minimithi
Ang bilis ng pamimili sa pasko
Ay kasing bilis ng perang maglalaho
Walang humpay na pagbili
Mauuwi rin sa pwede ng pagngiti