Makabuluhang Tradisyon
- Pencil Book Philippines
- Nov 29, 2018
- 1 min read

Ang Disyembre na yata
Ang pinakahinihintay ng lahat
Tila paboritong buwan sa buong taon
Dahil masaya ang okasyong ito
Napakaligaya ng marami
Ito yata ang panahong
Parang umaapaw ang salapi
Lahat ng mukha ay puno ng ngiti
Bawat tao ay masaya
Lahat ng tao ay abala
Namimili, namimigay
Nagbabalot, naghahanda
Regalo sa karamihan sa atin
Dekorasyon naman ng bahay sa iba
Iba’t ibang pagkain ang hinahanda
Labing dalawang prutas naman sa kanila
Bagong damit, bagong gamit
Makukulay na parol
Maiingay na tugtugin
Mga batang sa lansangan ay nangangaroling
Simbang gabi na kailangang buuin
Puto bumbong na mainit
Bibingkang nag-uumapaw sa keso
Masayang panahon na namang muli
Umuuwi sa probinsya ang iba
Nagtatagong mga ninong at ninang, nasaan na?
Pagkakaisa ng bawat pamilya
Kapatawaran sa isa’t-isa
O, ang sarap
O, ang saya
Paskong laging inaalala
Paskong anong ligaya
Sana’y manatili
Sana’y hindi mabali
Mga tradisyong hindi na mag-iiba
Matibay na sa pagkahubog ng kultura
Ito’y ating ingatan
Lagi nating gawin
Mga simpleng nakagisnan
Mabuting ipagpatuloy natin