Search
Christmas Bonus
- Pencil Book Philippines
- Dec 4, 2018
- 1 min read

O kay bilis mong dumating
Kinabukasa’y ubos na rin
Parang hanging dumaan lamang
Naramdaman ngunit di rin nagtagal
Kay tagal kitang hinintay
Di ko plinanong ika’y ipamigay
Pero ganun talaga mas kailangan ka ng iba
Tanging hiling ko lang sana magamit ka nila ng tama
Sa susunod na taon ako’y magtatabi
Para naman sa gayon ay may naiiwan pa rin
Parte ng pinaghirapan ko, lalaki rin
Ilang araw na lang ikaw ulit ay mapapasakin