top of page

Bagong Panimula


Bagong taon, bagong simula

Bagong kabanata, bagong alaala

Kalimutan ang nakaraan

Kalimutan at wag ng balikan

Iwan na ang dati

Iwan na ang natapos

Ibaon na sa limot

Ibaon na ang lahat

Kay sarap salubungin

Kay sarap planuhin

Mga bagay na parating

Mga bagay na tatanggapin

Sariwang pag-iisip

Sariwang pananaw

Simulan ng tama

Simulan ng walang pag-aantala

Maging wais sa panibagong taon

Upang dating karanasan

Ay di na muling maulit

Dahil ikaw ay natuto na


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page