top of page

Goodbye 2018, Hello 2019


Goodbye 2018, Hello 2019

Bagong taon, bagong magaganap sa aking buhay

Ano kaya ang magandang maibibigay ng taong aking hinihintay

Paniguradong may saya at may kasama ring lumbay

Ngunit hindi dapat mapanghinaan dahil andyan ang Poong Maykapal upang gumabay

Goodbye 2018, Hello 2019

Sana maging masaya ang taong ito

Para kapag nakalipas ang mga magagandang alala’y ito’y aking maikukwento

Pero siguro para maging masaya ako, kailangan kong makuntento

Makuntento sa mga bagay na meron ako

Goodbye 2018, Hello 2019

Naniniwala ako na may mga magaganda nanamang darating na oportunidad

Na dapat kong paghirapan bago makuha ng aking palad

Ito ay pangarap na dapat kong matupad

Para sa kinabukasan na aking hinahangad


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page