top of page

O Kay Bilis ng Panahon


O kay bilis ng panahon

Nakalipas na ang taong 2018 na parang isang kisap mata

Ang dami kong napagdaanan, ang dami kong pagsubok na nalagpasan

Na akala ko’y hindi ko na mapapagtagumpayan

Ngunit heto ako ngayon, mas handang lumaban

Dahil sa nakalipas na taon, pinagtabay ang aking kakayahan

Sinubok ang lakas ng aking loob

Mula pisikal, emosyonal at ispiritwal na aspeto’y nahirapan

Iba’t ibang uri ng pagsubok ngunit iisa ang aking natutunan dito

Na ang bawat problema ay malalagpasan ko rin

Na ang bawat hirap, pagod at pasakit ay may naka-abang na biyaya

Biyayang higit pa sa iyong inaasahan

Kahit na mahirap, naging masaya ako

Hindi ko alam kung anong meron sa 2018 kung bakit ito naging mahirap

Pero kahit na ganun, ang dami pa ring mga bagay

Na dapat kong ipagpasalamat

Maraming mga magagandang bagay na nangyari sa akin

May mga bagong oportunidad na dumating

May mga bagong kaibigan akong nakilala

At may mga bagong araw na hindi ko makakalimutan

Masaya, masigla, masakit at mahirap

Ganyan ko maisasalarawan ang aking 2018

Iba’t ibang emosyon, halo-halong karanasan

Taon na hindi ko makakalimutan

Tuluyan ko ngang masasabi na

Goodbye 2018 at Hello 2019


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page