top of page

Salamat, Maraming Maraming Salamat


Maraming dapat ipagmukmok

Dahil hindi naging madali

Itong taong 2018 ay hindi biro

May mga pagsubok

Problemang di inaasahan

Mga bagay na pinagsisisihan

Mga tanong na di pa nasasagot

Nagtataka, natutuliro

Sana’y hindi na lang nangyari

Dapat hindi na lang naranasan

Ngunit tila kailangan pagdaanan

Para tumibay ang loob

Sa kabila ng mga bagay na iyon

Marami pa ding dapat ipagpasalamat

Marami pa ring biyayang natanggap

Ito ay grasya pa din

Kung bibilangin ang mga magaganda

Siguradong matatabunan ang mga problema

Kaya’t tunay na dapat maging masaya

Sapagkat mga biyaya’y ibinigay Niya

Ang hanging nalalahanghap

Ang buhay na natatanggap

Bawat araw ay malakas

Magandang kalusugan araw-araw

Ito’y madalas na nakakaligtaan

Ngunit dapat laging inaalala

Mga biyayang hindi na napapansin

Ngunit malaking kabutihan ng Diyos sa atin

Maging mapagpasalamat

Dahil kung bibilangin

Ang mga biyayang natanggap

Magugulat kang kay dami pala

Mga ipinagkaloob Niya

Mga ibinigay Niya

Hindi Siya nagkulang

Laging may sobra pa


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page