top of page

Tapos Na


Panibagong taon na naman

Ang kakaharapin ng bawat isa

Nakaraang taon ay tapos na

Kaya’t maging masaya

Bagama’t naging maganda naman

Ang mga nangyari noong 2018

Kay hirap kalimutan

Ang mga bagay na tumatak na

Sa buhay mo dati

Sa mga biyayang natanggap

Ngunit kailangan tanggapin

Na may mga masakit ding naganap

Iwan na ang mga iyon

Nang gumaan ang bagong taon

Magandang lahat ay bago

Sariwang alaala na bubuuin

Matutong isuko na

Ang mga bagay na dati na

Upang bagong oportunidad

Ay bumuhos nang tuloy-tuloy

Itigil na ang matagal na

Para di madamay ang iba

Asahan ang mga surpresa

Dahil ang Diyos ay maraming handa

Mga biyayang sa’yo ay ibibigay

Itong 2019 ay simula

Ng malaking pag-asa

Kaya’t patuloy na magtiwala


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page