top of page

Paalaala sa mga Kababaihan

Alalahanin ang nakaraan

Noong pinaghihirapan ang pagsuyo

Sa mga dalagang minamahal

Ng mga binatang gusto silang kasintahan

Hindi dapat magbago

Hindi dapat mawala

Ang mga sakripisyo

Na dapat ginagawa ng mga binata

Ang mga mahahalagang bagay

Tunay na dapat pinaghihirapan

Nang masukat ang pagtitiis

Pasensya na kailangan sa isang relasyon

Kapag ito ay nagsimula na

Kapag ang relasyon ay opisyal na

Dahil hindi lang romansa

Ang pagsasama ng dalaga at binata

Nilikha ang babae

Ayon sa Kanyang Salita

Ay sinusuyo ng lalaki

Ipinapakita ang tunay na pag-ibig

Dahil ang lalaki

Ay nilikha na magsasakripisyo

Sa babaeng gusto

Na iniibig ng totoo

Magandang dilag

Ika’y maghintay

Hayaan mong ikaw ay suyuin

Hayaan mong ikaw ay lapitan

Tamang oras ay hintayin

Tamang kagustuhan ang manaig

Hindi pansariling kagustuhan

Ang maging sentro ng pagmamahalan

Hindi ako, sa akin, sarili ko

Kundi siya, sa iyo, sa ibang tao

Sakripisyo at hirap

Parte ng pagpapatunay ng tunay na pag-ibig

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page