top of page

Puso'y Ingatan Mo


Hindi lamang literal

Kundi rin sa kaibuturan nito

Mga okasyo’y kakatapos lamang

Mga kainan ay kaliwa’t kanan

Pasko’y tapos na

Bagong taon ay lumipas na

Mga handaang iyong pinuntahan

Walang humpay ang nakahain

Iba’t ibang pagkain

Kakaibang luto

Mga nakalapag sa kanilang mesa

Inalok ka at kinain mo

Hinay hinay lang

Dahil ang pagkain ay may bukas pa

Hindi mauubusan

Sapagkat laging meron pa

Biglang bumigat

Timbang noong nakalipas na taon

Ngayo’y nagdesisyon ka

Na bawasan ang timbang

Kailangan bumawi

Sa mga kainang nagdaan

Dapat ng maging maingat

Sa mga kinakain at ginagawa

Wais dapat sa pagpili

Ng mga kinakain

Sa dahilang lahat ay may katapat

Resulta ng mga ipinasok sa katawan

Unahin ang pangunahin

Gulay, prutas, ehersisyo

Umiwas sa matamis at maalat

Nang gumanda ang kalusugan mo

Hindi ito para lang sa’yo

Kundi para sa puso mo

Na damay ang buong katawan mo

Maging malusog ngayong taon

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page