Akala Ko Ako Lang
- Pencil Book Philippines
- Jul 31, 2018
- 1 min read

Nag-umpisa tayo bilang magkaibigan
Di nagtagal umamin ka sa nararamdaman
Nung una akala ko pawang kalokohan
Pero nung tumagal ito’y iyong napatunayan
At yun na nga tayo’y nagka-ibigan
Unti-unti kong natutunan na ika’y pagkatiwalaan
Wala pa mang label pero ganun na ang turingan
Ngiti mo’y iba na sa tuwing tayo’y magtitinginan
Nasasabi ko na sa’yo lahat ng pinagdadaanan
At andyan ka lagi para ako ay pakinggan
May mga plano na tayo para sa kasalukuyan
At dun ko naisip na magbigay na ng kasagutan
Pero bigla kang nag-iba nang siya’y ating mapag-usapan
Nagbago ang ihip ng hangin, nanlamig ng pandalian
Hanggang sa trinato mo na ulit ako bilang kaibigan
At nagsimula nang gumulo ang aking puso’t isipan
Nakita ko na lang kayo na nagkakamabutihan
Akala ko wala lang nang bigla niya akong kwentuhan
Sana naglakas loob ka sa’king sabihin ng harapan
Hindi yung sa kanya ko pa talaga malalaman
Akala ko ako lang pero may dumating pala para punan
Ang oo na di mo agad narinig sa’yong katanungan
Buti na lang di ko pa nasambit ng tuluyan
Mabilis ka pa lang bumitaw sabay kapit sa pang-mabilisan
Masyado nang masikip, ayoko nang makipagsiksikan
Lalo na kung di naman pala seryoso ang pinapasukan
Hindi lahat “two is better than one” ang usapan
May mga bagay na para lang sa dalawahan
Comments