top of page

Bakit Ang Hirap Mag Move On?


“Walang nagmahal ng hindi nasaktan”

Yan ang madalas na sinasabi ng mga kaibigan ko sa akin sa tuwing

lumuluha na lang ako sa mga panahong nagdaan

Kasabay ng pagpatak ng aking luha ay may kaakibat na katanungan na

bakit kailangan kong masaktan ng ganito?

Anong naging kulang ko para lokohin niya lang ako?

Panget ba ako?

Lahat naman ginawa ko pero bakit niya ginawa yon?

Bakit ang hirap mag move on?

Almost 10 months na kaming magkahiwalay,

Almost 10 months na rin kaming hindi nagkikita at hindi nag-uusap

Pero bakit halos araw-araw ko pa rin siyang iniisip,

halos araw-araw ko pa rin siyang iniistalk sa FB niya

Hindi ko ba alam kung bakit ako naging ganito

Nababaliw na ata ako sa isang tao na may kinababaliwan ng iba

Bakit ang hirap mag move on?

Ginawa ko na ang lahat para lang makapag move on ako

Pero bakit parang kahapon lang tayo nag break-up

para ganito ako umasta

Lahat na ata ng paraan ginawa ko

Lahat ata ng pera ko linustay ko na

Bumili ako ng mga libro na nagtuturo para mag move on

pero naiisip pa rin kita

Umattend na ako ng mga seminars about love

pero mahal pa rin kita

Nagtravel na ako sa iba’t ibang lugar para hanapin ang sarili ko

Pero ikaw lang ang gusto kong makita

Nagparty ako gabi-gabi

Pero ikaw lang ang gusto kong maging parte ng buhay ko

Lahat na ng advice ng mga kaibigan ko sinunod ko

Pero ikaw lang ang gusto kong sundin

Bakit ganito?

Bakit ang hirap mag move on?

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page