top of page

Bawat Basura, Itapon ng Tama!

Maduming kapaligiran, mabahong lansangan

Kalat na di magawang pulutin para itapon sa basurahan

Nagdudulot ng iba’t ibang sakit sa karamihan

Pinapalala ang sitwasyon sa mundong ating ginagalawan

Bakit hindi tayo gumawa ng paraan upang solusyunan

Ang munting basura, dadami’t lalaki pag napabayaan

Aantayin pa ba nating may mangyaring malala bago aksyunan?

Huli na ang lahat pag tayo’y binalikan ng bagsik ng kalikasan

Maging magandang halimbawa sa kapwa mamamayan

Kahit hindi mo kalat, pulutin mo na lamang ng walang alinlangan

Nang sa gayon ay makabawas sa basurang nakakalat sa kung saan

Bawat basura, itapon ng tama! Tara na’t ating simulan

 
 
 

Comentários


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
bottom of page