top of page

Dahilan Bakit mas Maskit ang Mang-iwan ng Taong Mahal mo


Ano nga ba ang mas masakit? Ang mang-iwan o ang iniwan?

Marahil ang lahat sa inyo, sasabihin na mas masakit ang iniwan.

Pero para sabihin ko sa’yo, mas masakit mang-iwan.

Tatlong rason bakit mas masakit ang mang-iwan ng mahal mo:

Una.

Dahil alam ko na naging duwag ako.

Masakit aminin pero oo, naging duwag ako. Natakot ako para sa atin. Natakot ako sa sasabihin ng tao. Natakot dahil baka hindi ko kayang punan ang mga pagkukulang ko. Naduwag ako sa mga responsibilidad na haharapin ko dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa para doon. Naduwag ako dahil ayaw kong maging miserable ang buhay mo kaya mas pinili ko na lang umalis. Umalis sa mga isipin. Ang umalis sa responsibilidad at ang umalis sa’yo.

Pangalawa.

Dahil alam ko na nasaktan kita.

Mahirap magpatuloy sa buhay lalo na kung alam mong may nasaktan ka. Binabagabag ako ng konsensya ko gabi-gabi sa maling ginawa ko. Gusto kong ibalik ang mga oras para itama ang mga maling ginawa ko pero huli na ang lahat. Nasaktan ko na ang damdamin ng mahal ko. Masakit gumising araw-araw na alam kong nagkamali ako sa ginawa ko.

Pangatlo.

Dahil pinatagal ko pa.

Pinatagal ko pa yung sakit na nararamdaman mo.

Pinatagal ko pa na hindi sabihin sa’yo ang dahilan.

Pinatagal ko pa kasi akala ko kaya ko pang tumagal sa relasyon natin. Ngunit hindi na pala. Hindi ko na pala kaya. Kaya mas pinili ko na lang umalis.

Pero gusto kong malaman mo na hindi ako umalis ng walang dahilan.

Maraming bumabagabag sa isipan ko na alam ko na kahit ipaliwanag ko sa’yo ay hindi mo maiintindihan.

Kaya sa huling pagkakataon nais ko sanang humingi ng tawad sa ginawa kong pag-iwan sa’yo.

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page