top of page

Diary ng mga Tita (to their pamangkins na wala pang Jowa)

KAMUSTA IHA?

Tanong ni Tita sa handaan ng pamilya

Hindi pa nakakasalita may isang bitaw pa na

MAY BOYFRIEND KA NA BA?

SAGOT KO NAMAN AY,

"Hi, Tita! Okay naman po. Kayo po?"

"Wala pa po. Career po muna."

"Wala pa po. Busy at abala pa po e."

Mga sagot na pilit binibigkas matapos lang ang usapan

ISA PANG HIRIT NA AYAW PAAWAT

Ilang taon ka na ba?

Bakit di ka pa nag-aasawa?

Mga tanong na kahit anong iwas ay huhulihin ka

SAGOT KO KAY TITA,

"Wag po kayong mag-alala.

Masaya naman po akong mag-isa

Kaya ko naman po ang aking sarili

GAYANIN MO ANG PINSAN MO

Engaged na this month

Abay ka daw

Dapat ikaw na ang sumunod sa kanya

TAWA NA LANG

Sa pressure na meron sa aking mga tiyahin

Sa sinasabi ng mundo na eto dapat gawin

Sa kulturang parang kakaiba ka pag walang kasintahan

HAY, TITA

Nawa'y sa muli nating pagkikita

Masaya ka sa anumang resulta ng aking pamumuhay

Wag kang mag-alala. Naiintindihan po kita.

NGUNIT SUBALIT BAGAMAT

Tandaan natin na ang kasintahan

Ay di lamang basehan ng buhay na maligaya

Na di lamang basehan ang pag-ibig sa isang nobyo o nobya

Para masabing buo ka

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page