top of page

Hindi lang sa Pulitika Umiikot ang Mundo


Hindi lang sa pulitika umiikot ang mundo

Maraming mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin

Katulad ng mga bata sa kalye na ang ulam lamang ay asin

Kaya dapat ang ating isipan ay gisingin sa mundo ng puno ng isipin

Hindi lang sa pulitika umiikot ang mundo

Para pag-awayan niyo ito ng kaibigan mo na taliwas sa opinyon mo

Dahil walang magagawa ito kundi gulo

Gulo sa pagkakaibigan niyo na nadamay dahil sa maduming mundo ng pulitika

Hindi lang sa pulitika umiikot ang mundo

Kaya wag magpalinlang sa mga salitang pinangako

Dahil ang mga iyon ay laging napapako

Dahil ang naisin lamang nila ay ang makaupo sa bangko ng kapangyarihan

Hindi lang sa pulitika umiikot ang mundo

Para pagbigyan mo ng buong atensyon

At wag umasa dito para umunlad ang buhay mo

Tandaan mo, hindi lang sa pulitika umiikot ang mundo

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page