top of page

Ina. Sino Nga Ba Sila.


INA. MUDRA. NANAY. MOTHER. MOMMY. MOM.

Iba’t Ibang tawag sa ulirang ilaw ng tahanan.

ASAWA. ANAK. TITA. NINANG. LOLA. SISTER.

Marami din pala ang kanilang ginagampanan.

Akala natin ay iisa. Akala natin ay madali para sa kanila.

AKO. IKAW. TAYO. SILA. PARA SA AMIN. PARA SA KANILA.

Mga responsibilidad na araw-araw nilang walang sawang ginagawa.

SA BAHAY. SA TRABAHO. SA NEGOSYO. SA PAMILYA. SA LIPUNAN.

Sa iba’t ibang aspeto ay maaasahan mo.

MAHAL KITA. PINAPAHALAGAHAN KITA. MAHALAGA KA. PATAWAD NA.

Mga salitang bihira na nilang mapakinggan.

IPAKITA MO. IPARAMDAM NATIN. ISIGAW MO. IALAY NATIN.

Pagmamahal, pagkalinga, pang-unawa, pakiusap, suklian natin sila.

ARAW NG MGA INA. MOTHER’S DAY. SELEBRASYON. ISANG ARAW.

Wag nating hayaan na sa mga panahong ito lamang natin sila bigyan ng pansin at halaga.

WALANG SALITA. WALANG GAWA. WALANG KATUMBAS. WALANG KATAPAT.

Ang ating mga ina ay tunay na biyaya na hindi mapapalitan. Higit pa sa anumang kayamanan.

LAPITAN MO. TAWAGAN MO. HAGKAN MO. HALIKAN MO.

Yan ang dapat nating gawin araw-araw hindi lamang sa pagkakataong ito.

HINDI MAIHAHALINTULAD. HINDI MAIKUKUMPARA.

Ang buhay, ang sakripisyo, ang pagtitiis, ang hirap na kaya nilang ialay.

PARANGAL. PASASALAMAT. PAGMAMAHAL. PAGPAPAKUMBABA.

Ito’y higit pa sa kanilang halaga.

IPANGAKO MO. IUKOL MO. ISAGAWA NATIN. IHAYAG NATIN.

Na sa oras na ito’y mabasa, mag-iiba ang tingin mo sa iyong ina.

ISANG PAGBATI. ISANG PAGSAMBIT. ISANG PASASALAMAT. ISANG PAGPAPAHAYAG.

Mabuhay ang ating mga ina. Mabuhay sila.

ARAW-ARAW. BAWAT SEGUNDO. KADA MINUTO.

Sila ang ilaw na kailanma’y hindi mapupundi at hindi mauupos.

LIWANAG NG ATING PAMILYA. SILA’Y ATING MGA INA.

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
bottom of page