Iniwan Mo
- Pencil Book Philippines
- Aug 4, 2018
- 1 min read

Akala ko tayo na talaga
Akala ko hanggang sa huli
Ngunit ang pag-ibig mo sa akin
Ay meron palang kahati sa iba
Akala ko masaya na
Akala ko habang buhay magsasama
Pero kataksilan ay biglang dumating
Nasa kanya pala ang pagmamahal
Akala ko ayos lang
Akala ko kaya ko
Sakit na ginawa mo
Tagos hanggang kaluluwa ko
Akala ko hindi ganoon kasakit
Akala ko walang lamat ang pag-iwan
Hinagpis ko ay napakatindi
Panaghoy na parang walang katapusan
Akala ko ako lang
Akala ko tunay ang ipinakita mo
Bakit iniwan mo ako?
Bakit biglang may ibang tinatangi
Akala ko mga pangako mo ay totoo
Akala ko mahal mo talaga ako
Hindi maibigkas ang nangyayaring ito
Sa akin na napakapait, napakadilim
Akala ko
Akala ko eto na talaga
Paano mo ito nagawa sa akin?
Paanong may iba ka na pala?
Akala ko ikaw na
Akala ko yung pag-aya mo
Sa akin sa kasal
Ay patunay ng iyong tamis ng pagmamahal
Akala ko bubuo tayo ng pamilya
Akala ko masaya tayong magsasama
Hindi ko alam kung paano
Paano ko lalagpasan ang dagok na ito
Nagdurugong puso
Nanlulumong damdamin
Hinagpis at pagtangis
Kailangan kong tanggapin
Comentários