top of page

Lakbay Laya


Maglakbay. Maglakbay ka nang walang pag aalinlangan

Walang pag-aatubili. Para sa kapahingahang inaasam

Dahil minsan lang ang mga oras na magagawa mong lumisan

Papunta sa mga lugar na matagal mo nang balak puntahan

Kailangan ko ng katahimikan. Kailangan ko ng kapayapaan

Sa mga bagay na napuno na sa aking kaisipan

Sa kapagurang matagal ng iniinda

Kaya itutuloy ko na ang balak na dati pang inaalintala

Gusto kong lumayo. Gusto kong mapag-isa

Masiyahan sa malayong isla. Magmuni-muni sa kabundukan

Kalimutan ang mga alalahanin at magpakasaya

Sulitin ang mga panahon na puro kagandahan ang mga nakikita

Kahit saglit. Nais pumuslit

Sa lugar na puno ng pagod, pag-aalala, pagnanais

Lumaya sa sinisigaw ng puso

Hayaang lisanin ang bawat lugar ng may kaligayahang baon sa buhay

 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
bottom of page