top of page

Lokohan Lang Pala Ang Lahat



Lokohan lang pala ang lahat

Lokohan lang pala ang lahat nung sinabi mo sa akin na “mahal na kita”

Lokohan lang pala yung mga panahon na umaabot tayo hanggang umaga para lang mag usap ng mga walang kwentang bagay

Lokohan lang pala yung mga panahon na sweet tayo sa isa’t isa na tipong para tayong isang tahong na hindi mapag hiwalay sa isa’t isa

Lokohan lang pala yung mga panahon na magkahawak ang ating mga kamay sa tuwing binabaybay ang bawat daan papunta sa kung saan

Lokohan lang pala ang lahat



Lokohan lang pala ang lahat

Lokohan lang pala ang mga tanong mo na “kamusta ka na?” “Kumain ka na ba?” “Asan ka?” “Umuwi ka na ba?”

Mga simpleng tanong na wala naman talagang malisya

Pero alam ko na alam mo na hindi yun simpleng tanong lang

Tanong yon na may kasamang pag-aalala

Tanong yon na may kasamang pag aaruga

At tanong yon na may kasamang pagmamahal

Pagmamahal na lokohan lang pala ang lahat





Lokohan lang pala ang lahat

Lokohan lang pala ang mga bagay na ibinigay mo na dapat sa umpisa pa lang ay hindi ko na tinanggap

Hindi ko na dapat tinaggap ang relo na binagay mo noong kaarawan ko dahil alam kong hindi mo maibibigay ang oras na kailangan ko

Hindi ko na dapat tinanggap ang damit na binagay mo noong araw ng pasko dahil para akong damit na hindi mo naman kayang suotin ng pang matagalan

Hindi ko na dapat tinanggap ang panyo na binigay mo noong araw ng puso dahil alam ko na magagamit ko ito sa pagpawi ng luha ko dahil lokohan lang pala ang lahat ng ito



Lokohan lang pala ang lahat

Sana sinabihan mo man lang ako na ang lahat ng mga ginagawa mo para sa akin ay pang kaibigan lamang

Sana sinabihan mo ako na April fools lang pala ito para tinawanan ko na lang toh

Sana sinabihan mo ako na may iba ka ng nagugustuhan at lahat ng ito, ang lahat ng meron tayo, ang lahat ng mga bagay na ginawa natin ay pang hindi tayo

Sana sinabihan mo ako na lokohan lang pala ang lahat



Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page