top of page

Lokohan Tayo. Laro Pala Toh

Tayo na. Sabi niya.

Mahal kita. Oo nga.

Pinanghawakan ko. Binitawan mo.

Yun pala hindi talaga.


Ang tanga ko. Naniwala agad sa’yo.

Mahal ko siya. Hindi pala.

Binigay ko ng buo. Winasak niya puso ko.

Masakit na emosyon, ramdam ko talaga.


Pasado ka. Sabi ng guro.

Tapos ka na. Ang saya.

Pinanghawakan ko. Pag-asa ko’y naituon na.

Hindi umabot, bagsak pala.


Ang galing ko. Sinambit ko.

Tapos na ko. Kalungkutan pala dulot nito.

Pag-asang kay laki-laki. Napawi ng bigla.

Pangarap ko, maaabot pa ba?


Pagbati sa’yo sa bagong posisyon at dagdag na sweldo. Sabi ng aking amo.

Pinagmalaki. Kakaiba ang ligaya.

Ganado at handa na. Maling balita pala.

Nadismaya ngunit wala nang magagawa.


Ang husay ko. Bulong ng isip ko.

Sige po, gagawin ko. Sa kabila ng panlilinlang na balita sa’yo.

Abot kamay na hangarin. Buburahin lang pala.

Mithiing makamtan. Kukunin anuman ang hadlang.




Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page