top of page

Maging Malaya sa Pagibig na...


Ayoko ng umasa

Pagod na akong maghintay sa wala

Gusto ko nang maging malaya

Sa pag-ibig na mukhang ako lang ang nakakadama

Puro na lamang biruan

Di na tuloy matukoy kung ano ang totoo sa kasinungalingan

Gusto ko nang maging malaya

Sa pag-ibig na wala namang kasiguraduhan

Hindi na ako mangungulit

Maglalaho na lang ako na parang bula

Gusto ko nang maging malaya

Sa pag-ibig na nagparamdam sa akin na hindi ako mahalaga

Sawa na akong masaktan

Bibigyan ng pagkakataon, sasayangin din naman

Gusto ko nang maging malaya

Sa pag-ibig na paulit-ulit sa kasalanan

Akala ko’y ikaw na nga

Sumugal at sa’yo lang naniwala

Gusto ko nang maging malaya

Sa pag-ibig na puno ng pangakong nauwi sa wala

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page