top of page

Magiting Na Hero


Madaming superheroes

Meron sa telebisyon

Meron sa komiks

Meron sa pelikula

Iba-iba ang kapangyarihan nila

May lumilipad

May malakas

May kayang maglaho

Nakaaaliw sila

Nakakahanga ang kaya nila

Ibang klase ang ginagawa

Ng mga hero na ating kilala

Ngunit ang Hero na alam ko

Ay walang katumbas ang kakayahan Niya

Imposible hindi uso sa Kanya

Kahit sino ay talo sa Kanya

Siya ang Hero na kakaiba

Maamo at mapagkumbaba

Mapagmahal at maalaga

Tunay na kakaiba Siya sa lahat

Siya ay nasa kataas-taasan

Ngunit bumaba para sa atin

Sa kagustuhan Niyang tayo ay iligtas

Sinakripisyo Niya ang kanyang sarili

Sinong hero ang kilala natin

Ang handang akuin ang lahat?

Ang kasalanan na hindi naman Niya ginawa

Ang kabayaran na tinubos Niya para sa atin

Siya ay si Hesus

Ang Hero na dapat purihin

Kaluwalhatia'y naayon sa Kanya

Ang Diyos na napakataas

Ngunit Siya ay nagpakababa

Hindi iniinda ang kaparusahan

Na inabot Niya sa Kanyang mga nilalang

Siya ang Hero

Na kahit namatay

Ay muling nabuhay

Ganoon ang Kanyang kapangyarihan

Ang kapangyarihan Niya ay matindi

Ang hirap na dinanas Niya ay hindi biro

Para lang sa ating lahat

Ginawa Niya ito

Nakakapanliit kung iisipin

Na simpleng tao

Ay kanyang inuna

Para sa kaligtasan

Walang hanggang buhay

Iyon ang handog Niya

Kahit tayo ay hindi karapat-dapat

Ibinigay Niya ang regalong ito ng kusa

Sino tayo?

Para ialay ang buhay Niya

Tunay na dapat Siya ay purihin

Lahat ay naayon sa Kanya

Ibalik natin

Ang pagmamahal na ipinakita Niya

Pagpupuri ay ibigay ng buo sa Kanya

Hesus, dakila Ka!


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page