Mahirap Ang Walang Label
- Pencil Book Philippines
- Aug 12, 2018
- 1 min read

Mahirap ang walang label
Daig ko pa ang mga paninda sa tindahan ni Aling Kuring
Na kung saan ang bawat kusing ay pinapahalagahan
Na kung saan ang bawat paninda ay may halaga
Ngunit heto ako, naghihintay na pahalagahan mo
Sabihin mo na merong tayo pero siguro hanggang ganito na nga lang tayo
Tayo, pero hindi talaga tayo
Mahirap ang walang label
Hindi ko alam kung saan ako pupunta o saan kami papunta?
Dinaig pa namin ang kalye crisologo na kung saan ay may masasabing
pangalan
Pero heto tayo, para tayong isang kalye na hindi mo alam kung ano ang
dapat itawag dahil kapag wala itong pangalan maliligaw ka. Maliligaw
sa kung ano nga ba talaga tayo, sa kung meron nga bang tayo
Dahil kung walang tayo, para tayong isang kalyeng nakakaligaw
Mahirap ang walang label
Sa mundong puno ng puro landian at paasa
Sa mundong puno ng sakit at hinagpis
Kaya hindi ko alam kung may halaga ba ako sa’yo
Hindi ko alam kung meron bang tayo
Hindi ko alam kung saan ako lulugar at kung may lugar ba ako diyan sa
puso mo
Comments