top of page

Makaka-move on din ako


“Mahal na mahal pa din kita” patuloy na sambit ko

At kahit anong gawin ko, ikaw pa din ang hanap ng pusong ‘to

Sinubukan kong lumimot, tumakbo’t magpakalayo

Pero lagi pa rin akong bumabalik sa panahong merong ‘tayo’

Para akong sira na kinakausap ang sarili ko

Patuloy na iniisip ang mga posibleng sagot mo

Pero kahit minsan, hindi mo ito sinagot ng deretso

Parang isang bula, tuluyan kang nawala sa buhay ko

Sinubukan kong magpanggap na okay lang ako

Ngumingiti ako kahit puro luha ang gustong tumulo

Pilit kong binubuo ang gumuho kong mundo

Pero ang totoo wala na akong maramdaman sa piligid ko

Pinaniwala ko ang sarili ko na maaayos pa natin ‘to

Na kailangan mo lang ng distansya at panahon para mapagtanto

Nagpakatatag ako, baka sakaling magbago ang isip mo

Pero mali ako, napagod lang ako sa kakaantay sa’yo

Alam kong darating ang panahong makaka-move on din ako

Na matatanggap at malilimutan ko rin ang lahat ng meron tayo

At pag nangyari yon, sana tama ang naging desisyon mo

Na pakawalan ang taong nagmahal sa’yo ng lubos at totoo

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
bottom of page